Thursday, March 18, 2010

Paningin 9

Makalipas ang tatlong araw. Araw ng Martes, alas-nueve na ng umaga…

Magulo ang klase na kinaroroonan ni Riyanna. Ang iba ay nagkukwentuhan at nagatatawanan, ang iba naman ay nag-gigitara, ang ilan ay nagbabasa, mayroon ding nagbabatuhan ng nilukot na papel, si Kim ay nakasubsob sa desk at nakapikit. Si Riyanna… nakatingin sa may bintana, hindi sya nakikigulo sa mga kaklase. Malayo ang tingin sa labas at iniisip ang lalake na naka-basag ng salamin ng bintana. Bigla nyang naalala si Tim, ang naka-basag sa kanyang pagkabirhen. Nalulungkot sya at nagsisisi kung bakit naibigay nya ang kanyang iniingatan na yaman sa lalakeng hindi naman niya minamahal. Lalo na at ito ay nobyo pa ng kapatid nya. Nakokonsensya si Riyanna sa kanyang nagawa nang may nakita syang bilog na bagay na papunta sa kanyang mukha. mabilis ang paglapit nito at hindi nya nagawang umiwas dito.

“Pok!”

Tumama sa noo ni Riyanna ang isang nilamukos na papel. Bumalik sa sariling diwa ang dalagita at hinanap ang pinanggalingan ng papel.

“Hey?!” Medyo malakas na boses ng dalagita.

Tumahimik ang buong klase at nagsipag-ayos ng upo. Pumasok kasi sa kanilang silid ang principal.

“Good morning, class!”

“Good morning, Ms. Moran” Sabay-sabay na sagot ng mga estudyante na nagsipagtayuan.

“Mr. Topeño won’t be able to attend the class today, well infact, never…” Malungkot na sabi ng magandang principal.

Nagulat ang mga bata at nagsimulang magbulungan. Parang napuno ng bubuyog ang klase dahil sa mahihinang salita ng mga ito.

“Quiet, class… Mr. Topeño was involved in a vehicular accident last Saturday. Let’s just all pray for his soul and his family.”

“Wait for his substitute, she’ll be here in a few minutes.” Ang sabi pa ng principal.

Tinawag ni Ms. Martina Moran si Danica na nakatayo sa may pintuan ng silid.

“Meanwhile, class, I want you to meet a new student and your new classmate, Danica.” Sabay pasok ng dalagita at pumunta sa harapan, nakangiti.

“She’s a transferee from another school.” Sabi ng principal na si Tina.

Tila nagkaroon nanaman ng mga bubuyog sa loob ng silid. Ang karamihan ay nagtitinginan kay Riyanna tapos ay kay Danica. Maging si Riyanna ay namangha sa kanyang nakikita sa unahan ng klase.

Kamukhang-kamukha ni Riyanna si Danica! Para silang pinag-biyak na anghel. Tinanong ni Kim ang kaibigan.

“It’s like you’re staring on a mirror, huh?” Pabiro na sabi ni Kim.

“Do you know her? Do you think she’s somewhat related to you, sis?” Dugtong pa nito.

“Ewan ko nga eh… ang nakikita ko lang na diference namin ay sa pananamit at sa buhok. Pero aside from that, perahong-pareho kami.. kahit sa height!” Sabi ni Riyanna kay Kim habang nakatingin pa rin kay Danica.

“Class, I almost forgot. Kailangan natin mag-donate ng kahit na magkano para sa family ni Mr. Topeño.” At itinuro nya ang isang babae sa unahan ng klase para mangolekta. Matapos ang kuleksyon ay ibinigay iyon sa principal.

“Well, thank you, class! I’ll leave you now while waiting for your temp teacher. Have a nice day, everyone!” At lumabas na ito sa silid.

Uupo na sana si Danica sa bandang unahan ng klase ng tinawag ito ni Kim.

“Hi, Danica! Halika! Dito ka na umupo.”

Ngumiti naman si Danica at lumapit ito sa tumawag sa kanya. Umupo sya sa kanang tabi ni Kim habang si Riyanna naman ay nasa kanan. Nagpakilala si Kim at ipinakilala din nya si Riyanna. Napansin ng dalawang magkaibigan na nagulat din si Danica nang makita si Riyanna.

“I know, para kayong twin sisters.” Sabi ni Kimberly.

“Oo nga eh…. And we’re both pretty!” Sumabat naman si Riyanna.

Natawa si Danica at nagsimula ng magkwentuhan ang tatlo. Maya-maya ay dumating na ang kanilang pansamantalang guro. Matapos magpakilala at makipagkilala sa buong klase ay nagsimula na ito ng pagtuturo.

Sabay-sabay na kumain ng pananghalian ang tatlo. Tinanong ng dalawa si Danica tungkol sa dati nitong eskwelahan at kung paano ito nakapasok dito. Ikinuwento naman ni Danica ang pagiging accelerated nya sa kanilang probinsya. Sinabi rin nya na naaawa sya sa yumaong guro dahil ito ang tumulong sa kanya para makapasok sa eskwelahan. Ikinuwento nya na ito pa mismo ang nag examine sa kanya sa faculty room nung nakaraang linggo. Nagkatinginan si Riyanna at Kim. May nabalitaan kasi silang tsismis na may reputasyon nga ang guro nilang iyon na nangmolestya ito sa naunang eskwelahan na pinagturuan nito.

Hindi naman napansin ni Danica ang dalawa at itnuloy lang pagkain. Pagkakain ay nagpunta muna sa banyo ang magkaibigan para mag re-touch. Hindi na sumama si Danica dahil may aayusin pa daw sya sa gamit nya. Habang nagsusuklay si Riyanna, sinabi nito kay Kim ang naisip nya kaninang nagkukwento si Danica sa kanila.

“Hindi kaya may ginawang kalokohan ang dalawang iyon nung ine-examine ni sir Topeño si Danica?”

“Hala! Ang dumi naman ng isip ng friend ko! Bakit mo naman nasabi ‘yun?” Sabi ni Kim.

“Gaga! Kasi hindi ko naikwento sa’yo last time ‘yung tungkol sa napanaginipan ko.”

“Alin? Iba pa ba ‘yung tungkol sa akin at kay Mina?” Tanong ni Kim.

“Oo, meron pa kasing sumunod. Ganito kasi ‘yon….” Sabi ni Riyanna.

At ikinwento nga ng dalagita ang panaginip tungkol sa sarili nya.

“So, you’re saying na si Danica ang nasa panaginip mo at akala mo lang nung una na ikaw ‘yun?” Tanong ulit ni Kim.

“Exactly my point, sis! Dahil nga siguro kasi sa major, major resemblance naming dalawa kaya akala ko ako ‘yung nasa pictures sa panaginip ko.” Sabi ni Riyanna kay Kim.

“And remember ‘yung kwento nya, sa faculty room daw sya in-examine. Just like in my dream!” Si Riyanna pa rin.

“Hay! All these years na magkasama tayo, Anna, ngayon lang talaga ako na-weirdo-han sa’yo!” Sabi ni Kim.

“Yep, and alam mo, I feel like I have a curse! Kasi lahat ng napapanaginipan ko ay biktima ng wrong doings and molestations. At ang isa pa, namamatay ang mga nambibiktima.” Sabi ni Riyanna habang naglalakad na sila papunta sa klase.

“I can say na because they did something wrong, they deserve to be punished. Pero hindi naman sa ganoon na binabawian sila ng buhay.” Malungkot na sabi ni Riyanna.

“It’s not your fault, Anna. Besides, hindi mo naman gusto ang mga nangyayari.” Sabay hawak ni Kim sa balikat ni Riyanna. At pumasok na ang dalawa sa silid.

Pagkarating ni Riyanna sa bahay ng hapon na iyon. Nadatnan niya ang ina sa sala. Nagbihis lang sya ng damit at ikinuwento nya sa ina ang pagkamatay ng kanilang guro at ang bago nilang kaklase na kamukhang-kamukha niya. Dumating naman si Romina at pawis na pawis galing sa isang volleyball game. Binati lang ni Riyanna ang kapatid at tumuloy na ito sa pagkukwento sa ina. Pagkatapos ay sabay-sabay na silang kumain ng hapunan.

No comments:

Post a Comment