PART II
Naging mas lalong kumpikado ang buhay ko ng makilala ko si Andrew — isang African American na ka-officemate ko. Una ko siyang na-meet noong magkasabay kami sa elevator noong first day niya sa office. Pasara na ang pinto ng elevator ng may isang lalaking nagmamadaling pumasok at sumiksik sa tabi ko. Matangkad siya, halos hanggang balikat lang ata niya ako. Hawig siya ng isa sa mga paboritong NBA players ni Ruben at kasing katawan din siya nito. Napansin kong panay ang sulyap niya sa akin. Flaterred naman ako pero medyo kinabahan din ng kaunti kasi medyo nakaka-intimidate ang dating niya. Pagdating ng 15th floor ay nag-excuse ako upang lumabas ng elevator . It turned out na lalabas rin siya.
“After you”, pinigilan niya ng kanyang kamay ang pinto upang hindi sumara.
“Thank you”, maikli ko namang sagot.
Ewan ko ba pero I can’t stop thinking about him the whole day. He left that much of an impression on me na I ended up accessing yung personal file niya sa HR system namin. “Junior Customer Relations Manager, from Chicago — 28 years old and unmarried .” Ewan ko ba kung bakit ako natuwa sa huling information na nabasa ko sa screen ng computer ko. “May girlfriend kaya siya?” tanong ko sa sarili ko. “JCRM? That means na regular hours din ang pasok niya tulad ko — that — I’ll see more of him around” nangiti ako sa sarili ko. www.kanlungan09.blogspot.com Pinoy Sex Stories
That evening ay may usapan kami ni Ruben sa Greenbelt. Medyo late na akong naka-alis sa office kasi naman ay may last minute pang ipinatapos sa akin ang boss ko. Patakbo kong hinabol ang pasarang elevator.
“Please hold the door”, halos pasigaw kong sabi habang halos mabitawan ko ang handbag ko sa pagmamadali.
“Thank you.” Humihingal pa ako ng mapansin ko ang taong nasa loob ng elevator.
“You’re very welcome“ ngiti ni Andrew.
All of a sudden I was aware na dalawa lang kami sa loob ng elevator.
“So it’s you again. By the way, I’m Andrew, Andrew Johnson”. Iniabot niya ang kanyang kanang kamay.
“I’m Rose Cruz.” Ang laki ng kanyang kamay but he’s got a nice grip.
“Sorry I had to squeeze in next to you this morning. I was running a bit late and it was my first day in the office.”
“Ding…” Bumukas ang pinto ng elevator.
“See you Andrew”, tumango ako sa kanya at lumabas ng elevator.
“OK Rose, I’ll see you around. Nice to bump into you again.” ngiti nito sa akin habang hinahawakan ang pinto.
Napansin kong pareho kami ng direksiyon ng nilakaran.
“Are you heading to the taxi stand as well?” Tanong niya sa akin.
“Yes” maikli kong sagot.
“Can I walk with you?”
“Sure.” Sabi ko.
” Which way are you heading?”
“That way.” Itinuro ko ang direksiyon gamit ang aking kanang hintuturo. “ I’m going to Greenbelt in Makati” , dagdag ko pa.
“I’m going to Makati too. I’m staying in Dusit Thani. If you don’t mind, we can share a cab. At least you’ll have someone to talk on the long ride ahead….That is, of course, if it’s ok with you.”
“S—ure.” Medyo nabubulol kong sagot. Sana hindi niya nahalata ang excitement sa aking mukha.
Kahit na matagal kaming naghintay ng taxi at mahaba ang biyahe papuntang Makati, hindi ko ito napansin dahil ang sarap kausap ni Andrew. Noong una ay puro buhay sa Manila at Chicago ang napag-usapan namin. Tapos work experiences. Pa-simple kong naipasok sa usapan namin kung may girlfriend na siya. Wala daw. They broke up daw a year ago. Long distance relationship. Nasa Chicago siya at nasa NYC naman ang girlfriend niya. It didn’t work. Hindi siya nagkaroon ng pagkakataong tanungin ako kung single pa ako kasi nasa Greenbelt na pala kami.
“Mam, Greenbelt na po tayo”, sabi ni mamang driver.
“Sige po manong diyan na lang po sa tabi.”
“ Here’s my share.” Nag-abot ako ng pera kay Andrew pero hindi niya tinanggap.
“Don’t worry about it. It’s your turn next time” ngiti nito.
“I owe you one” sabi ko.
“And don’t you forget it”, pabiro niyang sagot.
Medyo na-guilty ako ng makababa na ako ng taxi. Eto ako’t makikipagkita sa boyfriend ko at katatapos ko lang makipag-flirt sa isang lalaking hindi ko naman masyadong kakilala. “There’s nothing wrong with some clean flirting”, kumbinsi ko sa sarili ko.
Ang init ng ulo ni Ruben ng dumating ako. Naka-ilang Mocha Latte na daw siya ay hindi pa ako dumarating. Dati pa naman akong laging late dumarating sa mga usapan namin dahil sa traffic pero ngayon ay ang ikli na ng pasensiya niya sa akin. Buti nga at hindi na ako nagpasundo sa kanya sa trabaho.
“Tumawag naman ako sa iyo bago ako umalis ng office. Sabi ko naman siguro ay aabutin ako ng isang oras sa daan. Don’t worry aabot pa naman tayo ng last full show. Saan mo gustong kumain?”
“Sa Via Mare na lang” sagot niya.
Itutuloy.....
No comments:
Post a Comment